Women’s Rally at the Senate in support of BTA Extension

March 09, 2021

ATM | Women’s Rally at the Senate in support of BTA Extension. Organized by Bangsamoro People’s Coalition. Women leaders urged President Duterte to certify pending bills in both Senate and Congress extending the period of transition of the BTA. For in depth information please read:

Women Assembly on BTA Extension Statement

Bismillahirahmanirahim! Sa lahat ng mga kasama natin na dumalo sa pagtitipong ito, at sa lahat ng hindi nakadalo ngunit nakikiisa sa ating aghikain, at sa mga nanood sa pamamagitan ng social media, Assalamualaykum Warrahmatullahi Wabarakatuhu! Magandang umaga po sa ating lahat!

Tayo po ay nandirito ngayon dahil sa pare-pareho tayo ng paniniwala at hangarin – yan ay ang makamit ang tunay na kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon ng Bangsamoro. Narito po tayo dahil sa ating malasakit sa ating bayan at kapwa Bangsamoro. Narito po tayo dahil tayo ay nagkakaisa – at higit sa lahat – tayo ay Bangsamoro!

Ako po ay nakikiisa sa panawagan ng Bangsamoro Transition Authority, kasama ang mga constituent local governments na nagpasa ng kani-kanilang resolutions, ang mga Congressman at Senators na naghain na ng mga panukala, at lahat ng sambayanang Bangsamaro – na mapahaba ang transition at mabigyan ng sapat na panahon ang bumubuo sa BTA upang ma-sigurado na ang lahat ng kanilang obligasyon na napapaloob sa Bangsamoro Organic Law ay magagampanan ng buo at sa panahon kung saan normal ang kondisyon o walang restriction o hadlang sa mabilisang paggawa ng trabaho.

Hindi po lingid sa ating kaalaman na ang BTA ay binigyan ng obligsyon upang itayo o i-transition ang ARMM patungo sa BARMM Government. Isa po sa mga obligasyon na nabanggit sa Bangamoro Organic Law ay ang pagsulat sa mga Priority Codes na magiging foundation ng ating gobyerno, kasama ang mga sumusunod: Bangsamoro Administrative Code, Bangsamoro Civil Service Code, Bangsamoro Education Code, Bangsamoro Local Government Code, Bangsamoro Electoral Code, at Bangsamoro Revenue Code.

Hindi po biro ang pagsulat sa mga batas na aking nabanggit. Ito ay karaniwang dumadaan sa mataas na proseso – maliban sa karaniwang mataas at mainit na debate, importanteng aspeto nito ang pag konsulta sa lahat ng sector na maaaring maapektuhan ng mga batas na ito – na nagiging tunay na makahulugan tuwing physical na nangyayari ang mga pagtitipon.

Noong nakaraang taon, sa di inaasahang pagkakataon, ang lahat ng trabaho ay pansamantalang nahinto – hindi lamang sa BARMM, kung hindi, sa buong mundo. Ang pandemic ay nagdulot ng lockdowns at economic depression kung saan marami sa ating mga kababayan ang nawalan ng trabaho, o di kaya ay natumba ang negosyo, o lubhang humirap ang pamumuhay. Dahil jan, kinailangan ng ating gobyerno kasama ang BTA na tugonan a immediate na pangangailangan ng ating mga kababayan – yan ay ang pagbigay ng iba’t ibang ayuda at assistance upang maiwasan ang kaguluhan at maibsan ang kahirapan na dinaranas ng ating mga kababayan. Ang genawang pagtotok ng lahat ng opisyal ng gobyerno sa pagligtas at pagtulong sa ating mga kababayan ay dulot ng pangyayari na walang sino man ang may gusto. Subalit, sakabila ng lockdown, pinilit parin ng BTA na gampanan ang kanilang tungkulin – ngunit maaari nating sabihin na ang pagkamit sa mga obligasyon na napapaloob sa BOL ay lubhang naapektuhan ng pandemiya.

Ang aking pong hinihiling sa ating mga kababayaan at sa lahat ng tao na binigyan ng (Allah) ng kapangyarihan na makatulong sa aghikaing ito – ay ang tao’s pusong pag-unawa. Unawain po natin ang isa’t isa. Unawain po natin na ang pinaka-importanteng aspeto ng paglalakbay na ito – o ang peace process – ay ang normalization. Yan ang pag transform sa ating mga kapatid na Mujahideen mula sa pagiging rebelled patungo sa kawani ng gobyerno. Ang lahat ng ito ay nakatotok sa iisang misyon – yan ay ang panghabang buhay na kapayapaan. Tayo ay magkaisa – tayo ay magsama-sama. Para sa layunin na lubos na kapayapaan at kaunalaran sa Bangsamoro – KAISA PO NINYO AKO SA PAGSULONG NA MAPAHABA ANG TRANSITION – YES TO BTA EXTENSION!

​Wassalam.

May be an image of one or more people, people standing and outdoors
May be an image of one or more people, people standing, headscarf, outdoors and text that says 'WE STRONGLY SUPPORT THE EXTENSION OF BTA BANGSAMORD PEOPLE'S EXTENSION COALITION'
May be an image of one or more people, people standing, headscarf, outdoors and text that says 'INAS PARK BANGSAMORO EXTENSION PEOPLE'S COALITION WE CALL OUR LEADERS TO BE AND BANGSAMORO COMMUNITIES MORE AND UNITED M ONCE THE WORK ED TOGETHER OF THE BANGSAMORO COMMON GOOD HOMELAND COALITION OUR LEGISLATORS WE UPPERAND 。N UPPER LOWER CHAMBER EXPEDITE CONGRESS LAWS TPOSOE TO 2025 BARMM ELECTIONS'

Related Articles

Maraming Salamat Bangsamoro

Maraming Salamat Bangsamoro

Maraming Salamat. Isang malaking karangalan ang maglingkod sa inyo bilang myembro ng BTA Parliament. Paalam na po sa inyong lahat. Giyadun i kapag udas akun rukano mga lokus akun ago pagari akun. Panalamatan akun sukano langon. Relae ako nyo ko mga galubuk a da akun...

read more
Youth Awareness and Resiliency Summit Coastal Area

Youth Awareness and Resiliency Summit Coastal Area

A 2-day event in celebration of International Youth Day 2022 entitled, "Youth Awareness and Resiliency Summit Coastal Area: Youth Participation in Nation and Bangsamoro Building Peacebuilding" was launched at today at MBLT2 in Malabang Lanao del Sur. This is a...

read more