Watch MP Atty. Maisara’s Privilege Speech on Proposed Bill No. 32

June 24, 2021

PRIVILEGE SPEECHMr. Speaker, Members of the Parliament, and distinguished colleagues: Assalamualaykum Warrahmatullahi Wabaraktuhu! Magandang hapon po sa ating lahat! Ang ating kasarinlan bilang Moro ay ginuguhit ng ating kasaysayan, pamumuhay, kultura, linguahe, paniniwala. Malaking bagay ang likas yaman sa pag buo ng ating kasarinlan.At ito po ang dahilan kong bakit natin pinaglaban ang ating likas na yaman o “natural resources.”At hindi tayo dapat maging pabaya. Unang una, pinaglaban natin ito sa Comprehensive Agreement on Bangsamoro. At mismo kami noon sa Bangsamoro Transition Commission ito ang isa sa pinaka matinding issue sa Bicameral Conference.Particular dito sa inland waters. Sa lahat ng mga issues ito po ang pinaka contentious at pinakahuling paksa. Pero hindi po natin ito isinuko. Ang pagdecisyon po ukol sa ating likas yaman ay isa sa pundasyon nang right to self-determination. Ito po ang simbulo ng ating Kalayaan.Kaya ngayon tayo, at tayo lamang sa Bangsamoro Parliament ang dapat magbalangkas ng batas ukol sa inland waters ng Bangsamoro.Noong maupo po ako bilang isang MP, unang mga consultation ko ay ukol sa Lake Lanao as early as July 2019, Sinundan po ito ng pangalawang consultation kasama ang mga eksperto noon Nobeyembre 2019. Dahil dito ako po ay naghain noong Nobeymbre ng taong 2019, panukalang batas o Bill No. 32 na pinamagatang “An Act Creating the Ranao Development Authority Prescribing Its Powers and Functions and Appropriating Funds Therefor.” Sa katunayan mahigit kumulang sa 47 Membero ng Parliamento ang sumanib bilang co-authors. Ang panukalang batas na ito ay naghahangad na makapagpatayo ng isang ahensiya ng gobeyrno na mamamahala, mangangalaga, at magbibigay proteksyon sa ating mga likas na yaman: ang Lake Lanao. Ang panukalang batas na ito ay sumailalim na sa Second Reading noong February 21, 2020.Ngayon meron na tayong batas na binalangkas nasa second reading na po. Nandito na po nakahain.Bago po isinulat ang Bill No. 32, isang malaking konsultasyon ang ginanap sa MSU-Main Campus, Marawi City kung saan dumalo ang mga eksperto, membro ng academe, ibat-ibang ahensiya ng gobyerno kasama na ang National Power Corporation, at ang matataas na opisyal ng Laguna Lake Development Authority na naglakbay mula Luzon upang ibahagi ang kanilang mahigit (5) limang dekadang karanasan sa pamamahala sa Laguna Lake. Sa kanilang pagbisita sa lawa, Isa pong kaalaman na tumatak sa aking puso ay ang sinabi ng Executive Director ng Laguna Lake Development Authority, ika niya: “Kapag ang lawa ay nasira, hinding hindi ito maibabalik sa dati nitong kalagayan.” Sa wikang englis: “It can neither be fixed nor restored to its original state.” Sunod na kanyang sinabi pagkatpos ng kanyang personal na pagbisita sa lawa ay “panahon na o oras na para simulan ang pag-alaga sa lawang ito.”Ano ba ang kasalukuyang kalagayan ng Lake Lanao?Ayon sa pag-aaral ng Mindanao State University at pahayag ng mga dating namumuno sa DENR, ang kakahuyan o kagubatan na nakapalibot sa Lake Lanao ay naging biktima ng deka-dekadang illegal logging, extensive land use, and farming in the watershed – na nagdudulot ng soil erosion na siya namang nagpapababa ng water level Nakita po natin ito sa tradhedyang dulot ng bagyong Vinta noong 2017 at napkariamarim na epekto sa Lanao del Sur kung saan marami po ang namatay at nawalan ng bahay sa aming kaanak at mamayan. Marami rin sa “forested” timberland ang nasira dahil sa iba’t ibang aktibidad na hindi na-regulate. Idagdag po natin dito ang problema ng polusyon dahil sa hindi maayos na pagtatapon ng basura. Dahil po sa mga pangyayaring ito, naibahagi po ng Lanao del Sur Provincial Disaster Risk Reduction Office (PDRRMO) noong 2019, na ang water level ng Lake Lanao ay bumaba, at ito ay nasa critical level. Dahil sa kakulangan ng malinaw na framework sa pamamahala ng lawa at ng watershed resources, magdudulot ito ng pagbaba ng kalidad ng tubig.Atin pong alalahanin na ang mga naninirahan sa tabi ng lawa ay nakadepende rito para sa domestic use – kasama na ang inuming tubig, ablution (abdas), paligo, paglalaba, at iba pa. Sa madaling salita, ang pollution dahil sa kakulangan sa regulation ay makaka-apekto sa kalusugan ng ating mamamayan.Bukod pa rito at hindi lingid sa ating kaalaman, ang Lake Lanao ay may mahalagang papel pagdating sa supply ng kuryente na pinakikinabangan ng mga Bangsamoro constituents at maging nga mga nasa outside BARMM kung saan ito ay nagbibbigay na mahigit sa 70% energy supply sa buong isla ng Mindanao at nagdudulot nang kaunlaran. Ito rin ay nagbibigay ng revenue o pundo sa karamihan sa ating mga political subdivisions.Dahil sa labis-labis na supporta ng ating mga kasamahan sa parliamento noong panahong ito ay dininig sa second reading noong February 21, 2019, at ating ipinasa ang Resolution No. 122 noong Marso 25, 2021 na naglalayong pagtibayin ang ating Karapatan sa pangagalaga ng ating lake Lanao at humingi tayong Senado ng considerasyon dahil nasa atin ang kapangyarihan at ito ay naksaad sa Bangsamoro Organic Law.Huwag po nating ipag liban ang Lake Lanao Bill nanakbinin na magdadalawang taon na, nandito na po ito sa ating mga kamay at ipanaglaban po natin itong likas na yaman naating parte ng kasarinlan, ito ay parte ng ating kultura. Ito ang nagbibigay kahulugan sa pagiging Moro.Itong bill na ito ay sinupurtahan na 47 Member of the Parliament. Nangangahulugan na marami pong gusto itong na maipasa.Paghindi natin ginawang priority bill itong batas na ito baka maisabatas ng Congres0 ang kanilang version. Huwag po nating hintayin mangyari iyon dahil maaring maging hudyat sa pag-pasa ng mga batas ng Congreso patungkol sa pangangalaga ng ating likas-yaman.Sa panghuli.Ang tawag po namin sa Lake Lanao, ay Ranao. Hango po dito ang identity bilang mga Maranao.Mga kasama ko sa Bangsamoro Parliament, ang Lake Lanao po ay ang umbilical cord ng mga Maranao na naguugnay sa aming lahat. It is the foundation of our identity and our heritage as a people and as Bangsamoro.Ang Lake Lanao po ay nasa intensive care unit na ngayon, kailang po siyang gamotin at pagalinigin, itong panukalang batas na ito ay siya ang naming naisip naming gagamot sa kanyang sakit na sinang ayunan ng majority.Huwag po nating pabayaan ang Lake Lanao.Kaya nanawagan po ako sa Government of the Day, na ilagay sa priority legislation at ikalendaryo ang Proposed Bill No. 32.Wag po nating hayaan ang patuloy at unti-unting pagkamatay ng Ranao. Habang-buhay naming isasapuso bilang mga Maranao ang inyong pag-pasa ng panukalang batas at hindi po naming ito makakalimutan ang inyong handog sa susunod na henerasyon.Maraming salamat po. Wassalam.

Related Articles

Maraming Salamat Bangsamoro

Maraming Salamat Bangsamoro

Maraming Salamat. Isang malaking karangalan ang maglingkod sa inyo bilang myembro ng BTA Parliament. Paalam na po sa inyong lahat. Giyadun i kapag udas akun rukano mga lokus akun ago pagari akun. Panalamatan akun sukano langon. Relae ako nyo ko mga galubuk a da akun...

read more
Youth Awareness and Resiliency Summit Coastal Area

Youth Awareness and Resiliency Summit Coastal Area

A 2-day event in celebration of International Youth Day 2022 entitled, "Youth Awareness and Resiliency Summit Coastal Area: Youth Participation in Nation and Bangsamoro Building Peacebuilding" was launched at today at MBLT2 in Malabang Lanao del Sur. This is a...

read more