Mr. Speaker, Members of Parliament, and distinguished colleagues: Assalamu Alaykom Warahmatullahi Wabarakatuhu! Magandang hapon po sa inyong lahat!
Marahil lahat tayo ay sariwa pa sa ating isipan ang nangyari sa Marawi noong ika-23 ng Mayo 2017. Sino ba naman ang makakalimot sa isang di inaasahang pangyayari mahigit apat na taon na ang nakakaraan? Panyayaring nagpabago ng masayang buhay ng ating mga kapatid na Meranao. Ang Marawi Siege na ito ay isang pangyayaring hindi kailanman maibabaon sa limot. Ang sakit at hirap na dinanas ng ating mga kapatid ay dala dala pa rin nila kahit apat na taon na ang nakakalipas.
Si Bapa H. Ansari Pacalundo ay isang IDP mula sa Marinaut East, Marawi City. Isa siyang dating OFW na nagtrabaho sa Saudi Arabia ng mahigit dalawang dekada. Dahil sa kanyang pagsusumikap, naipatayo niya ang kanilang 3-storey house mula sa kanyang dugo’t pawis na pagttrabaho sa ibang bansa. Tiniis niya ang mga araw, buwan at taon na hindi niya kasama ang kanyang pamilya para lamang matupad niya ang kanyang pangarap na bahay at magandang buhay na din para sa kanyang pamilya. Dahil na din sa kanyang katandaan, siya’y inatake ng stroke at naging paralisado noong taong 2007. Si Bapa ay isa sa mga IDP na maswerting naka survive sa bangungot ng Marawi siege. Upang ma protektahan ang kanyang naipundar na bahay, siya’y nagpumilit na magpa iwan. Hindi niya inalintana ang lakas ng tunog ng mga bomba na araw-araw niyang naririnig sa loob ng labing-pitong araw. Ika-walo ng Hunyo 2017, nang siya ay ma rescue sa loob. Yun ang pinakamasakit na araw sa kanyang pamilya sapagkat kahit na ligtas na nakalabas si Bapa ay hindi na nanumbalik ang dating Bapa na masayahin, mahilig mag kwento at maalaga sa kanyang mga apo. Simula nang siya’y ma rescueat makabalik na sa kanyang pamilya ay nakaramdam siya ng Alzhiemer Disease na siyang dahilan kung bakit pati ang sarili niyang pamilya ay hindi na niya makilala. Ang kanyang sakit ay patuloy na lumala hanggang siya ay pumanaw noong ika-pito ng Nobyembre 2020. Pumanaw siya na hindi man lang muling nasilayan ang kanyang minsan nang pinangarap na masayang tahanan.
Masakit ang mawalan ng tirahan o ano mang ari-arian pero higit na mas masakit ang mawalan ng mahal sa buhay na kalianman ay hinding hindi mo na maibabalik pa. Isa lamang si Bapa sa mga masasakit na kwento na maririnig natin mula sa ating mga kapatid na bakwit. Pero ang tanong ko, ilan pa bang Bapa ang hahayaan nating manakawan ng pagkakataon na makita at makasama muli ang kanyang pamilya?
Kamakailan lamang ay nagkaroon ang aking opisina ng IDP Consultation in Aid of Legislation nitong nakaraang ika-22 ng Pebrero 2021, at ayun sa aming mga naimbitahang mga IDP mula sa iba’t ibang temporary shelter at mga home-based communities, pangunahing panawagan nila ay ang matulongan silang makabalik na sa kani-kanilang mga lugar. Kambalingan!
Opo, kambalingan na paulit-ulit nilang sinisigaw simula pa noong ika-17 ng Oktobre 2017, na kakatapos pa lamang ng gyera sa Marawi.
Matatandaan na hindi pa man naupo ang BARMM, noong Marso 2018 ay nagkaroon na ng malawakang rally ng mga IDP sa may pumping bridge kung saan sila’y nakiusap at nagmakaawa na sila’y pabalikin na ngunit ang naging tugon lamang sa kanila ay kambisita o pagbibigay sa kanila ng pagkakataon na mabisita ang kanilang mga bahay. Ang mga rally at iba’t ibang pagpupulong ng mga taong apektado ng Marawi Siege ay paulit ulit na nagaganap para lamang maipaabot sa mga concerned agencies ang kanilang panawagan.
Marso 2020 ng magkaroon ng pagpupulong ang ilan sa mga representative ng IDPs, LGU Marawi, CSOs at ang TFBM sa malakanyang kung saan tayo ay nabigyan ng pagkakataong makadalo. Ang pagpupulong na ito kasama si Pangulong Duterte ay nagbigay ng hudyat upang mapabilis ang ginagawang rehabilitasyon ng Marawi na ngayon ay nasa 80% na base sa report ni Sec. Eduardo Del Rosario nitong katatapos lamang na Senate hearing.
Sa 80% na accomplishment report ng Task Force Bangon Marawi Chair ay kabilang jan ang iba’t ibang barangay complex, cultural center, 5 mosques out of the 37 mosques at kalsada. Kung pagbabasehan ay ang dating itsura ng most affected area, hindi ko masasabing 80% nga talaga ang natapos nila.
Marami nang buhay ang nawala. Marami nang oras ang nasayang. Lugmok na ang ilan sa kanila sa kahirapan. Ilan pa bang Bapa at Babo ang hahayaan nating matanggalan ng pagkakataon na makita at masilayan muli ang kanilang lugar na kinagisnan bago sila pumanaw? Ngayong ika-17 ng Oktobre 2021, ikaapat na taon na ng Marawi liberation, apat na taon nang walang gyera, ang tanong pa rin ng ating mga kapatid na IDPs, malaya ba talaga kami?
Ayun sa nakasaad sa United Nation Guiding Principles of Internal Displacement: “Displacement shall not be carried in a manner that violates the right to life, dignity, liberty and security of those affected.”
Kaya’t ako’y nanawagan sa aking mga respected colleagues na tulongan natin sila. Naniniwala ako na ang tunay na kapayapaan at katahimikan na kanilang inaasam ay makakamit lamang kung ang totoong rehabilitasyon ay kanilang makakamtan. Ang rehabilitasyong ito ay ang pagbangon ng mga tao mula sa bangungot ng nakaraan at ang katahimikan ng mga pamilya ng mga nawala at namayapa noong Marawi siege. Ito’y rehabilitasyon na ang batayan ay buhay ng mga tao at hindi ng magagandang bahay, kalsada, gusali at ilan pang mga magarbong establisamento na ipapatayo sa Marawi.
Ang permanenting pagpapabalik ng mga tao sa most affected area ng Marawi ay siyang susi sa tunay na kapayapaan at katahimikan na kailanma’y hindi matutumbasan ng kahit ano pang relief assistance, kabuhayan program at libo-libong temporary shelter.
Marawi siege has brought so much agony and depression already to the long time brave people of the lake, the Meranao. Marawi City will always be remembered as a city of rich in culture, strong traditional structure and the center of Islamic values. Long before the Spaniards and Americans colonization, the Datu and Sultan like the great warrior Amai Pakpak fought hard against them in defending the beloved Dansalan (old name of Marawi City). One historic event of the Meranao is the 1935 Dansalan Declaration, where our forefathers demand to the US government their right to self-determination, respect to their norms, beliefs, religion and their way of life.
Bilang Meranao, alam ko at naniniwala ako na hindi sila matatahimik. Patuloy nilang ipaglalaban ang kanilang karapatan para sa hustisya. Ang Marawi City ay isa sa pagkakakilanlan ng mga Meranao. Kaya’t tulongan natin silang makabalik at makabangon muli. Gamotin natin ang sugat na apat na taon na nilang iniinda. Hilom! Opo, sariwa pa ang sakit na kanilang nararamdaman.
I want to end my speech on the hadith of our Prophet Muhammad (SallAllahu Alayhi Wassalam), On the authority of Abu Huraira (RadhiAllahu Anhu) from the Prophet Mohammad (SallaAllahu Alayhi Wasallam) who said, “Whoever relieves a believer’s distress of the distressful aspects of this world, Allah will rescue him from a difficulty of the difficulties of the hereafter.”
Muli, maraming maraming salamat!
Wassalamo Alaykum Warahmatullahi Wabarakatoho!