TATLONG DAAN AT ANIMNAPUT ISANG MGA BENIPESYARYO NAKATANGGAP NG TULONG PINANSYAL SA ILALIM NG OPISINA NI BTA MEMBER MAISARA C. DANDAMUN-LATIPH NG BARMM
Pinangunahan ni BTA Member of the Parliament, Atty. Maisarah C. Dandamun-Latiph ang distribusyong ng tulong pinansyal para sa iba’t ibang benepisyaryo mula sa iba’t ibang nangangailangang sektor kamakailan sa probinsya ng Lanao del Sur. Isang daan at animnaput isa ang matagumpay na nakatanggap sa ayudang pinansyal mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao kung saan karamihan sa mga benepisyaro ay mula sa bayan ng Marantao, Wato-Balindong, Poona Bayabao at lungsod ng Marawi. Eto’y mula sa pundo ng programang Transistjinal Development Impact Fund o TDIF ng Bangsamoro Government na siyang gagamitin ng bawat membro ng parliamento sa kanikanilang napiling mga programa para sa Bangsamoro.
Adhikain ng programang eto na makapagbigay suporta at tulong sa mga nangangailangan sektor tulad ng mga magaaral sa elementarya, sekondorya at kolehiyo na walang gaanong paraan upang tustusan ang mga pangangailangan sa eskwela. Kasali din dito ang mga ulila, solo parents at person with disabilities o PWD. Sila’y makakatanggap ng tulong kapital pangkabuhayan mula sa Ministry of Social Services and Development o MSSD sa kanilang programang Bangsamoro Sagip Kabuhayan o BSK at sa ibang programa ng ahensya.
Samantala, isa lang eto sa mga programa ng BARMM para sa mga residente ng Lanao del Sur. Ayun kay MP Maisarah, “Patuloy pa rin po naming pinagsisikapan na makatulong hindi lamang sa inyo kundi sa lahat ng Bangsamoro”. 15,000php ang natanggap ng mga benepisyaryo ng BSK, 1,000php naman sa Angat Bangsamoro Kabataan Tungo sa Kaunlaran ang mga magaaral sa elementarya at sa 1000php para sa mga kolehiyo. Limang libo naman sa mga solo parents at 20,000php ay pinagkaloob sa mga may kapansanan o PWD. Laking pasasalamat naman ni MP Maisarah para sa mga ahensya ng gobyerno na tumulong sa nasabing distribusyon.
BTA Member Maisara C. Dandamun-Latiph
Via WB|| Radyo Pilipinas Marawi