Relief Assistance to Mud-Flood affected Families in Boganga Shelter, Marawi City

July 09, 2020

Relief Assistance to Mud-Flood affected Families in Boganga Shelter, Marawi City.

Ang opisina ni MP Atty. Maisara C. Dandamun-Latiph ay namahagi ng tulong sa pamamagitan ng pagbigay ng relief assistance sa 170 benepisyaryo ng Boganga Lake View Shelter, Division 7, Marawi City.

Ang nasabing benepisyaryo ay mga Internally Displaced Persons o IDP na kasalukuyang naninirahan sa Boganga Shelter.

Sila ang mga kapatid natin na kabilang sa vulnerable sectors o lubhang naapektuhan ang kabuhayan dahil sa krisis na dulot ng COVID-19. Sila din ay biktima ng mud flood na nangyari noong June 26, 2020.

Kabilang sa mga nakatanggap nito ay ang mga single parents o widows, mga pamilyang maliit ang kita, pregnant women, senior citizens at mga walang trabaho.

Ang relief Assistance ay naglalaman ng 5 kg Rice,

Assorted Veges at Spices tulad ng Kalabasa, Pechay, Sitaw, Carrots, Cucumber, Bombay, Kamatis, Atsal, Garlic, Sili at Kalamansi, Oil, at Dried Fish.

Ayon sa kanila, sila ay lubos na nagpapasalamat dahil dumating sakanila ang tulong ng opisina.

Maraming salamat sa mga nagboluntaryo sa aming opisina upang maiparating ang tulong ng mas mabilis sa mga kapatid nating nangangailangan Hindi po kami magsasawa at muli po naming ipagpapatuloy na marating din ang ibang lugar sa abot ng aming makakaya. In shaa Allah!

Related Articles

Maraming Salamat Bangsamoro

Maraming Salamat Bangsamoro

Maraming Salamat. Isang malaking karangalan ang maglingkod sa inyo bilang myembro ng BTA Parliament. Paalam na po sa inyong lahat. Giyadun i kapag udas akun rukano mga lokus akun ago pagari akun. Panalamatan akun sukano langon. Relae ako nyo ko mga galubuk a da akun...

read more
MENTALAKAS: STABILITY THROUGH STRENGTHENING MENTAL FITNESS

MENTALAKAS: STABILITY THROUGH STRENGTHENING MENTAL FITNESS

Do you feel like giving up? Strengthening mental fitness will help us to recognize our strengths on how to handle our psychological problems and discover ways to promote mental stability. Join us this Saturday together with Ms. Norhanidah D. Macatoon, founder of...

read more