PARA SA MGA MINAMAHAL NAMING MEDICAL FRONTLINERS

May 01, 2020

Nais naming ipadama ng taos-puso ang labis-labis na pasasalamat sa lahat ng bayaning Medical Frontliners na patuloy na tumutulong upang iligtas ang ating bansa mula sa COVID-19.

Para sa lahat ng mga namayapa na mga bayaning doktor at nars na buong pusong tumulong, mananatili po kayo sa aming mga puso, mga ala-ala at mga dalangin. Hindi matutumbasan ang kagitingan at kabutihang inyong inialay at patuloy na iniaalay para sa lahat ng mamamayang Filipino.

Salamat sa inyong walang hanggang serbisyo. Salamat sa inyong walang sawang malasakit. Salamat sa inyong walang katumbas na pag-ibig. Saludo kami sa inyong dedikasyon at kasipagan. Araw-araw kayong laman ng aming mga dasal at naniniwala kami kasama ng ating Maykapal na pagtatagumpayan natin ang labang ito.

Mabuhay ang lahat ng medical frontliners! Kayo ang aming mga Bayani.

Related Articles

Youth Awareness and Resiliency Summit Coastal Area

Youth Awareness and Resiliency Summit Coastal Area

A 2-day event in celebration of International Youth Day 2022 entitled, "Youth Awareness and Resiliency Summit Coastal Area: Youth Participation in Nation and Bangsamoro Building Peacebuilding" was launched at today at MBLT2 in Malabang Lanao del Sur. This is a...

read more