TINGNAN | Pamamahagi ng Personal Protection Kits sa private school teachers
Setyembre 1 at 2, 2020, ang opisina ni MP Atty. Maisara C. Dandamun-Latiph ay namahagi ng tulong sa pamamagitan ng pagbigay ng Teachers’ Personal Protection Kits. Ipinamahagi ang 500 na pirasong ng Personal Protection Kits sa mga private school teachers bilang benepisyaryo mula sa iba’t ibang paaralan ng Marawi City at Lanao del Sur.
Ayon sa kanila, sila ay lubos na nagpapasalamat dahil ito ang kauna-unahang tulong na dumating sa kanila mula sa goberno.
Ang Opisina ni MP Maisara ay taos-pusong nagpapasalamat naman sa mga nagboluntaryo upang maiparating ang tulong ng mas mabilis sa mga private school teachers. Nawa ay magamit nila ang mga laman ng kits upang maging mas ligtas mula sa sakit.
Hindi po kami magsasawa at ipagpapatuloy na marating din ang ibang lugar at munisipyo sa abot ng aming makakaya. In shaa Allah!