ANTI-TERRORISM BILL OF 2020

June 06, 2020
ANTI-TERRORISM BILL OF 2020

ANTI-TERRORISM BILL OF 2020Kaisa po ako sa Kongreso na tahasan kumukondena sa anumang anyo ng terorismo. Ngunit sa aking palagay ay ano mang batas para sugpuin ito ay dapat mayroong sapat na garantiya at proteksyon sa mga inosenteng sibilyan na maaring maging biktama ng pangaabuso, panghuhuli at pagkakulong.

Ang panukalang batas na Anti-Terrorism Bill ay naglalaman ng mga probisyon na di naka-ayon sa 1987 Constitution. Ang batas ay nagbigay nang malawig na kapangyarihan na dakpin at huliin ang sinumang suspect o pinahihinalaang terrorista na hindi na kailangan dumaan pa sa korte. Para sa panukalang batas na ito, sapat na ang “suspicion” para dakpin o ikulong.

Ayon sa 1987 Constitution, ang pag-aresto o pagkulong sa sinuman ay dapat mag mula sa utos na binalangkas ng korte sa pamamagitan ng Warrant of Arrest. Dahil po ang korte lang ang may kapangyarihan sa interpretasyon ng batas ayon sa ating 1987 Constitution na hindi pwedeng ipaubaya sa ibang sangay ng gobyerno.

Sa Anti-Terrorism Bill, ang Anti-Terrorism Council ay binigyan ng kapangyarihan mag-utos na ilagay sa kustodia at arestuhin ang sinuman pinag susupetsahang terorista kahit walang kaso hanggang 24 na araw. Ito po ay pwedeng maabuso at ito rin po ay labag sa 1987 Constitution. Isa lamang po ito sa maraming mga probisyon na hindi nakaayon sa 1987 Constitution.

Sa loob ng mahigit na 50 taon, ang aming lugar ay puno ng digmaan at gyera. At dahil sa kahirapan, karahasan, at kawalan ng kaunlaran nagsimula noong taong 1990s ang pagkakaroon ng grupo ng terorista na magpahanggang ngayon ay naghahasik ng karahasan at ang aming mamayan rin po ang nagiging biktima nito. Ito ay nagpatuloy sa kasalukayan at nagkaroon pa nga ng Marawi Siege noong May 2017 na kung saan mahigit sa 300,000 pamilya ang naapektuhan. Hanggang ngayon, hindi pa nakabalik ang mga sibilyan sa Ground Zero ng Marawi City.

Habang may karahasan sa aming lugar, maraming na rin pong na-report na illegal na pag-aresto, pagkulong, paglikas ng tahanan, at dahas ang mga inosenteng sibilyan na walang kinalaman sa terrorismo. Maraming inosenteng sibilyan ang nadadamay sa amin katulad po ng dalawang batang sibilyan na namatay noong Eid’l Fitr May 2020. Wala po kaming makita sa Anti-Terrorism Bill na sapat na proteksyon sa mga inosenteng sibilyan na Bangsamoro kong sila ay maging biktima, pagkulong, pagaresto, at enforced disappearance.

Ako ay naninwala na pagsugpo ng terorismo ay isang prosesong na kong saan kailangan nating ugatin ang puno’t dulo nito at ang balangkas ng batas na naayon sa 1987 Constitution ay isa lamang sa solusyon. Ang kahirapan, korapsyon, edukasyon, kawalan ng trabaho at kaunlaran ay dapat din bigyan ng pansin at lunasan para masugpo ang terrorismo at tuluyang magkaroon ng kaginhawaan at kapayapaan ang bansa ng pangmatagalan.

Sa kadahilanan na nailahad dito, ang aking pong opisina ay umaapela at nanawagan sa Kongreso at Pangulo sa hindi pagsasabatas ng Anti-Terrorism Bill.

Related Articles

Youth Awareness and Resiliency Summit Coastal Area

Youth Awareness and Resiliency Summit Coastal Area

A 2-day event in celebration of International Youth Day 2022 entitled, "Youth Awareness and Resiliency Summit Coastal Area: Youth Participation in Nation and Bangsamoro Building Peacebuilding" was launched at today at MBLT2 in Malabang Lanao del Sur. This is a...

read more