Assalamo Alaykom Wa Rahmatullahi Wabarakatoho!
Ngayong araw ay ginugunita natin ang selebrasyon ng National Disaster Resilience Month na may temang “Tamang Pamamahala’t kahandaan, Kaalaman at Pagtutulongan sa Sakuna at Pandemya’y Kalasag ng Bayan” sa pamamagitan ng First-Aid Training.
Sadyang napaka halaga ang araw na ito para sa akin sapagakat sa kauna-unahang pagkakataon, ay magkakaroon tayo ng pagsasanay sa ating mga disaster officer ng 24 brgys. ng Most Affected Area ng Marawi City. Maliban sa ating pag-gunita sa National Disaster Resilience Month, ang pagsasanay na ito ay isa ring paghahanda para sa permanenting pagbabalik ng mga IDPs sa Marawi ngayong October 2021, in shaa Allah.
Maraming mga pangyayari na kadalasan ay hindi natin napaghahandaan tulad na lamang ng mga sakuna. Ang sakuna o disaster ay may dalawang klase, una ay ang tinatawag na natural disaster na tulad ng bagyo, lindol at landslides. Pangalawa naman ay ang human-made disaster na tulad ng car accidents, sunog at bakbakan o gyera. Sa mga pangyayaring ganito, napagtatanto natin ang kahalagahan ng disaster response at kahalagahan ng mabilisan at tamang pamamaraan ng pag respondi sa mga pangayayari ay maaari itong maging daan upang maisalba ang buhay ng isang tao.
Kaya naman ang aming opisina ay nagsagawa ng mga ganitong pagsasanay upang makatulong na ma institutionalized ang ating Barangay Disaster Risk Reduction Management Office. Ang pagsasanay na ito ay magbibigay daan sa ating mga disaster officer upang mapataas ang kanilang kakayahan sa paghahanda at pagbawas ng peligro sa sakuna.
Inaasahan ko na sa pagtatapos ng training na ito, ang ano mang kaalaman na inyong matutunan ay ibabahagi ninyo sa inyong mga komunidad sa pagtugon sa kanilang mga pangangailangan lalong-lalo na sa panahon ng mga pangyayaring hindi natin inaasahan. Ang paglahok ninyo dito ay napakahalaga para sa pang-matagalang pag-iwas at pagpapababa sa mga pinsala at paghihirap sa panahon ng sakuna.
Muli, maraming maraming salamat sa inyong pagbibigay-pugay sa aming imbitasyon.
Wassalamo Alaykom Wa Rahmatullahi Wabarakatoho!