MP MAISARA’S MESSAGE FOR JULY 2021 NUTRITION MONTH

July 01, 2021

MP MAISARA’S MESSAGE FOR JULY 2021 NUTRITION MONTH

“MALNUTRISYON PATULOY NA LABANAN, First 1000 Days tutukan!”


Ito ang tema ngayong Hulyo 2021 na Buwan ng Nutrisyon. Ito ay panawagan para sa patuloy na pagsisikap ng ating bansa na matugunan ang malnutrisyon lalo na sa ating rehiyon, at madagdagan ang kaalaman ng bawat pamilya ukol sa kahalagaan ng wastong nutrisyon lalo na sa mga bata.

Ilan sa mga dahilan kung bakit marami tayong kaso ng malnutrisyon ay kahirapan, kawalan ng trabaho, maliit na kaalamang pangkalusugan, at ang pagkain ng mga di-masusustansyang pagkain. Maliban doon, isang malaking sanhi pa ay ang mga pangayayaring di inaasahan tulad ng pandemya at iba pang sakuna kung saan limitado ang mga pwedeng pagkuhanan ng pagkain.

Kaya’t ang ating opisina ay sumusuporta sa lahat ng mga hakbang upang mapaunlad ang serbisyong pangkalusugan para sa pagkamit ng ating hangarin na “BANGSAMORO CHILDREN FREE FROM MALNUTRITION” sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga iba’t ibang proyektong pangkalusugan, pagbabahagi ng wastong kaalaman, at pagtataguyod ng proyektong Agrikultura tulad lamang ng ‘Backyard Gardening” na napagkukuhanan ng mga masusustansyang pagkain.

Ang mga bata ay tulad ng isang umuusbong na halaman sa isang hardin na dapat ingatan, mahalin at alagaan dahil sila ang kinabukasan ng ating bansa. Kaya’t ang pagpapalaki sa isang bata sa pamamagitan ng kumpletong nutrisyon ay makakabuti sa kanila.

Ang ating mga magulang ay may mahalagang papel sa pagpapalaki ng kanilang mga anak. kaya’t ating hinihikayat ang lahat ng mga sektor na ituon ang mga pagsisikap sa unang 1000 araw ng buhay ng mga bata bilang madiskarteng interbensyon upang maiwasan ang malnutrisyon o kakulangan sa nutrisyon ng mga bata na nagdudulot ng hindi magandang epekto sa kanilang paglaki. Ang wastong nutrisyon ay napakahalaga sa ating kalusugan dahil ito ang pundasyon ng tamang resistinsya at lakas ng katawan. Maliban doon ay makakatulong din ito upang makaiwas tayo sa iba’t ibang mga sakit at karamdaman.

Kaya ngayon sa oras ng pandemya, katulong niyo ang aming opisina sa pagtataguyod ng serbisyong pangkalusugan sa mga bata, at tayo ay magkaisa upang alagaan at protektahan ang mga bata at suportahan natin ang pagkamit ng ating hangarin na “BANGSAMORO CHILDREN FREE FROM MALNUTRITION” sa ating Rehiyon.

#MPMaisara
#EmpoweringVoices
#BangsamoroTransitionAuthority


Related Articles

Maraming Salamat Bangsamoro

Maraming Salamat Bangsamoro

Maraming Salamat. Isang malaking karangalan ang maglingkod sa inyo bilang myembro ng BTA Parliament. Paalam na po sa inyong lahat. Giyadun i kapag udas akun rukano mga lokus akun ago pagari akun. Panalamatan akun sukano langon. Relae ako nyo ko mga galubuk a da akun...

read more