Siyamnaput Tatlong (93) Upuan at Labing Dalawang (12) Lamesa ang ibinahagi ng tanggapan ni Myembro ng Parlamento Atty. Maisara C. Dandamun-Latiph sa tatlong madrasah sa Munisipalidad ng Masiu, Lanao del Sur.
Ang programang ito ay bahagi ng Siyap ko Madaris (Care for Madaris): A response project in aid of legislation.
Ang nahandugan ng tulong ay ang Maahad Balt Alhamid Wa Hay-Atul Khaireyya Al-Islameyah Inc. na matatagpuan sa Barangay Ampuan, Lacadun, Maahad Darussalam Al-Islamie na matatagpuan sa Barangay Talub, at ang Madrasah Ibn Sharief Al-Islamie na pawang matatagpuan sa nasabing Munisipalidad.
Bawat Madrasah ay pawang nakatanggap ng Tatlumpot Isang (31) Upuan at Apat (4) na Lamesa.
Laking pasasalamat ng mga Asatids ng kanilang tanggapin ang nasabing tulong.