Ang tema ng 2020 National Children’s Month o Buwan ng mga Bata ngayong Nobyembre ay “Sama-samang Itaguyod ang Karapatan ng Bawat Bata sa Panahon ng Pandemya!”
Ang temang ito ay naglalayung kailangang magtulungan tayong lahat para sa patuloy na pagtataguyod ng karapatan ng lahat ng mga bata sa panahon ng pandemya tulad ng COVID-19.
Ako ay lubos na nakikibahagi sa pagpapa-unlad at pagtataguyod ng karapatan ng lahat ng mga bata sa Bangsamoro hindi lamang sa panahon ng Pandemya maging sa kanilang kinabukasan.
Bilang isang magulang, mayroon tayong mahalagang tungkulin upang tiyakin na ang ating mga anak ay may pinakamagandang simula sa buhay, iyon ay ang ating layunin na mapabuti ang kanilang hinaharap at kinakailangang magtulungan ang bawat isa upang masigurado ang kaligtasan at magandang kinabukasan ng bawat bata sa Bangsamoro Region at sa buong Pilipinas.
Hinihikayat natin ang lahat ng mga magulang, ahensya, opisina, at mga taga pag-alaga na magkaisa upang suportahan ang mga bata sa pamamagitan ng pag-aaruga, pag-aalaga at pag-unawa sa panahon ng Pandemya. Ang mga bata ay mahalagang bahagi at miyembro ng komunidad dahil sila ang pag-asa ng ating bayan. Sama-sama nating patnubayan at turuan ng tama ng sa gayon ay maging maganda ang kanilang kinabukasan at maging handa sa anomang hamon sa buhay. Maraming Salamat at Mabuhay!
Lubos na nagmamahal,
ATTY. MAISARA C. DANDAMUN–LATIPH
Member of Parliament–Bangsamoro Transition Authority
Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao