BASAHIN| Ipinapaalam ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education sa pamamagitan ng Directorate General for Madaris Education sa lahat ng mga guro ng Islamic Studies at Arabic Language (ISAL) na magre-renew ng kontrata na hindi na nila kinakailangang kumuha ng ISAL Qualifying Examination.
Inaatasan naman ang bawat Punong guro na mag sagawa ng pagsusuri sa bawat Guro-Asaatidz sa nakalipas na kalahating taon bilang kinakailangan ito upang maka pagpanibago ng kanilang kontrata.
Mangyaring tingnan ang Regional Memorandum No. 1086, s. 2021 para sa karagdagang impormasyon.
Source: MBHTE
#MPMaisara
#EmpoweringVoices