Limang daang (500) pamilya mula sa Masiu Lanao del Sur at Iligan City ang nakatanggap ng Ramadhan Food Packs mula sa Tanggapan ni Myembro ng Parlamento Atty. Maisara C. Dandamun-Latiph.
Ang pagbibigay tulong ay bahagi ng Ramadhan Iftar Program in Aid of Legislation ng nasabing opisina.
Ginawa ang paghahatid tulong sa mga Masjid Sharief Moriatao Bae, Marandacan, Amai Sindaolan, Dansalan, Moriatao Bae at isang Toril sa Iligan City.
Bawat pamilya ay naka tanggap ng food packs na naglalaman ng Tinapay/biskwet, Itlog, at Kape at Asukal.
Ang programang ito ay naglalayon na Dalhin ang serbisyo ng Bangsamoro Government sa iba’t ibang lugar sa Rehiyon ng Bangsamoro.