BTA MEMEBER ATTY. MAISARA C. DANDAMUN-LATIPH MESSAGE ON MARAWI WEEK OF PEACE 2022

May 20, 2022

Bismillahir Rahmanir Rahim!

Assalamo Alaykom Wa Rahmatullahi Wabarakatoho!

Isang mapayapang umaga sa inyong lahat.

Ngayong araw ay ginugunita natin ang 5th Marawi Week of Peace (Masa a kalilintad sa Marawi). Ang aktibidad na ito ay napapanahon din sa nalalapit na pag gunita natin sa ikalimang-taon na anibersaryo ng Marawi Siege. Ang pangyayaring nagpabago sa buhay ng karamihan sa ating mga bangsa Meranaw.

Ang salitang kapayapaan ay nangangahulogan din ng kaunlaran. Ngaunit kaakibat nito’y ang salitangnpaghilom. Paghilom mula sa bangungot ng nakaraan na dala ng Marawi Siege at kahirapan sa kasalukuyan na dala ng pandemya. Paghilom na makakamit lamang kung tayo’y magtutulongan at bibigyan pansin ang mga mga pangunahing problema ng ating vulnerable sectors kabilang na ang ating mga kapatid na IDPs.

Ang Bangsamoro Government ay kaisa ninyo sa inyong hangarin na makamit ang tunay na kapayapaan. Katunayann kasama sa pangunahing prayoridad ni Chief Minister Ahod Ebrahim Balawag ay ang tulongang maibangon at makabalik sa Marawi ang ating mga kapatid na IDPs. Yan po ang dahilan bakit nanjan ang opisina ng BARMM Marawi Rehabilitation Program bilang suporta at bigyang tugon ang hinaing ng ating mga IDPs.

Umaasa ako na sana’y sa pagtatapos ng rehabilitasyon ng Marawi ay makabalik na din ang mga kapatid nating IDPs sa kani-kanilang mga kabahayan dito sa 24 Barangays ng Most Affected Area o ang tinagurian natin dati ng Ground Zero. Naniniwala ako na ang tunay na rehabilitasyon ay hindi lamang ang pagpapatayo ng mga magarbong istraktura dito sa loob ng MAA kundi ang permanenting pagpapabalik sa mga IDPs sa lalong madaling panahon. Alam kong maraming mga pagsubok na dumaan sa loob ng halos limang taon ngunit nanatili tayong matatag.

Nawa’y magsilbi tayong inspirasyon sa bawat isa. Naniniwala ako na ang ating pagtutulongan ay isa sa susi upang makamit natin ang tunay na kapayapaan at kaunlaran.

Muli, maraming salamat at magandang araw sa inyong lahat.

Wabillahi tawfeeq wal hidaya, Wassalamo Alaykom Wa Rahmatullahi Wabarakatoho!

Related Articles