Bangsamoro Parliament Members Cash Assistance to the Locally Stranded Individual from BARMM

July 09, 2020

Ibinahagi ng Bangsamoro Transition Authority (BTA)-Parliament sa inisyatiba ng opisina nina MP Maisara Dandamun-Latiph, MP Diamila Disimban Ramos, MP Nabil Tan, at MP Jess Burahan ang cash assistance para sa mga Locally Stranded Individuals o LSIs.

Lubos ang aming pasasalamat sa mga BTA Members MPs na sina Abdulmuhmin Mujahid, Khadafeh Mangudadatu, Aida Silongan, Adzfar Usman, Omar Yasser Sema, Paisalin Tago, Susana Anayatin, Eddie Alih, Ubaida Pacasem, Jose Lorena, Romy Saliga, Ziaur-Rahman Adiong, Abraham Burahan, Nabila Margarita Pangandaman, Mussolini Lidasan, Muslimin Jakilan, Marjanie Macasalong, Ali Sangki, Sahie Udjah at Hassan Hatimil na siya ring tumolong at nagbigay ng ayudang pinansiyal.

Ang mga nasabing LSIs ay mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at pansamantalang naninirahan sa Metro Manila, sa pangangalinga ng Hukbong Katihan o Philippine Army.

Upang maiwasan ang posibleng pagsisimulan COVID-19, sinigurado ng mga organizers ang pagkakaroon Social Distancing at Alcohol at iba pang pagsunod sa Minimum Health Standards.

Five hundred (500) LSIs ang nakatanggap ng Php 1000 cash assistance mula BTA-Parliament. 

Ayon kay MP Disimban, ang programang ito ay tugon sa direktiba ng national government bilang paghahanda sa pagtanggap ng mga LSIs sa kani-kanilang lugar.

Hiling din ni MP Maisara na maka-uwi ang mga nasabing LSIs mula sa Bangsamoro Region. “Gusto namin malaman kung paano sila makaka-uwi sa kani-kanilang mga lugar at sana may Quarantine Facility na tatanggap sa kanila,” sabi ni MP Maisara.

Sobra ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa tulong ng BTA-Parliament, Philippine Army, at BARMM Manila Liaison Office na siya ring nag hatid ng facial masks at ear saver straps sa mga LSIs.

Patuloy naming ibabahagi ang tulong sa Bangsamoro People sa abot ng aming makakaya.

Related Articles

Maraming Salamat Bangsamoro

Maraming Salamat Bangsamoro

Maraming Salamat. Isang malaking karangalan ang maglingkod sa inyo bilang myembro ng BTA Parliament. Paalam na po sa inyong lahat. Giyadun i kapag udas akun rukano mga lokus akun ago pagari akun. Panalamatan akun sukano langon. Relae ako nyo ko mga galubuk a da akun...

read more
Youth Awareness and Resiliency Summit Coastal Area

Youth Awareness and Resiliency Summit Coastal Area

A 2-day event in celebration of International Youth Day 2022 entitled, "Youth Awareness and Resiliency Summit Coastal Area: Youth Participation in Nation and Bangsamoro Building Peacebuilding" was launched at today at MBLT2 in Malabang Lanao del Sur. This is a...

read more