APRIL 28, 2022| Ilang Madaris o Islamikong paaralan at Toril mula sa ibat ibang bahagi ng Lanao del Sur ang naka tanggap ng mga bagong kagamitan mula sa tanggapan ng myembro ng Bangsamoro Transition Authority Parlamento na si Atty. Maisara C. Dandamun-Latiph.
Ang mga nakatanggap ng tulong ay ang Mahaad Nurol Hoda Al Islamie na nakatanggap ng mga bagong kagamitan sa pagaaral at pagtuturo, Darul Shuhada Litahfidhel Qur’an Al-Kareem at Darul Sibyan Quranic Center na parehong nakatanggap ng kompletong set ng sound system, at Mahad Pawak na nakatanggap naman ng mga bagong upuan.
Ang pamamahaging ito ay parte ng mga programa ng opisina ni MP Maisara na naglalayong ilapit ang bawat servisyo ng Bangsamoro Government sa lahat ng bangsamoro sa buong bansa.
Laking pasasalamat ng mga nakatanggap ng tulong dahil subrang laki raw ng maitutulong nito sa pagaaral ng kanilang estudyante at sa kanilang komunidad.