Marso 11, 2022| Ang Opisina ng Myembro ng Parlamento na si Atty. Maisara Dandamun-Latiph ay nagsagawa ng isang pagpu-pulong para sa pagpaplano sa itatayong Artisan Village sa Munisipalidad ng Tugaya Lanao del Sur.
Ang Artisan Village na ito ay ipapatupad sa pamamagitan ng Transitional Development Impact Fund ni MP Atty. Maisara sa pamamagitan ng Ministry of Trade, Investments, at Tourisms (MTIT).
Pinondohan ito ng Pamahalaang ng Bangsamoro sa pamamahala ni Chief Minister Hon. Ahod Ibrahim.
Ang target na benepisyaryo ay mga Artisan Cooperatives mula sa Tugaya Lanao del Sur.
Layunin ng proyektong ito na dagdagan ang mga oportunidad sa pang-ekonomiyang at mga oportunidad sa industriya at serbisyo sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ang mga nagsipagdalo ay:
*CHARISSE AQUINO-TUGADE
Executive Director
National Book Development Authority Founding President, CulturAID Inc.
*Salem Y. Lingasa
Chairperson-BCPCH
Bangsamoro Commission for the Preservation of Cultural Heritage
*Glenn Francis Lanticse
Senior Museum Researcher-BCPCH
*ROBERT ALONTO
Commissioner, Lanao del Sur-BCPCH
*AKMAD D. MAMA
Executive Director-BCPCH
*Walid Pangcoga
Tugaya Municipal Tourism
*Hayan Maradia
Executive Assistant of LGU Tugaya
*Prince Galo
MTIT
Ito ay naglalayong suportahan ang handicrafts na sektor mula sa produksyon hanggang sa marketing at promosyon nito.