Ang kwento ni Bapa H. Ansari: Marawi Siege Survivor

May 23, 2020
Marawi Siege
Marawi Siege

Sariwa pa sa aking isipan, ika-23 ng Mayo 2017, tatlong taon na ang nakalipas mula nong mangyari ang pinakamalaking bangungot sa buhay ng mga taga-Marawi, ang Marawi Siege.

Isa sa mga naapektohan ng pangyayaring ito ay si H. Ansari Pacalundo, residente mula sa Barangay Marinaut East, Marawi City. Si Bapa Hadji Ansari ay isang dating OFW na nagtrabaho sa Saudi Arabia ng dalawang dekada upang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Nakapag patayo siya ng 3 storey na bahay. Taong 2008, nang siya’y muling bumalik sa bansang Saudi Arabia. Ngunit, makalipas lamang ang ilang buwan, nakaramdam siya ng matinding karamdama na siyang naging dahilan ng pagka-paralisa ng kanyang kalahating katawan.
Siya ay biniyayaan ng Apat na anak sa kanyang butihing may-bahay na si Hadja Aliyah Mangundao-Pacalundo,­ isang retired Teacher. Siya’y mailalarawan bilang isang mabuting ama, na tiniis ang dugo’t pawis sa ibang bansa, makamit lamang ang simpleng pangarap para sa kanyang pamilya.

Sa pamamagitan ng kanilang Bakery, nabubuhay ang pamilya ni Bapa. Sa Awa ng Allah, nakakabinta sila ng mahigit limang libo kada-araw, na siyang pang tustos sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan.

Ika-23 ng Mayo 2017, alas dos ng hapon, nang makarinig ng sari saring palitan ng putok ang pamilya Pacalundo. Bagama’t takot na takot ang kanyang pamilya, nananatili pa ring kalmado si Bapa na ang tanging nasasambit ay, “psabot kano badn ka khada bo anan (magdasal kayo at mawawala din yan)”. Kinabukasan, nag desisyon ang kanyang pamilya na lumikas muna pansamantala. Ngunit si Bapa ay nagmatigas at nagpa iwan upang bantayan ang kanyang bahay. Sa mga oras na yun, tanging dasal at iyak lang ang nagagawa ng kanyang pamilya. Sa loob ng labing-pitong araw, labis-labis ang kanilang paghihinagpis dahil wala man lang mapagtanungan kung ano na ang kalagayan ni Bapa sa loob ng Ground Zero.

Ika-8 ng Hunyo 2017, apat na araw bago ang kanyang kaarawan, isang bagong pag-asa ang bumuhay sa kanyang pamilya nang sila’y makatanggap ng tawag na nasa Provincial Capitol si Bapa. Payat na payat, mahabang balbas, maamong mukha na nakangiting akala mo’y para wala lang nangyari ang kanilang nakita nang muli nilang masilayan ang kanilang ama. Mukha ng isang matapang na Ama na ayaw na ayaw nakikitang nag-aalala ang kaniyang mga anak.
Sa awa ng Allah, siya’y muling nakapiling ng kanyang pamilya na ligtas at malayo na sa panganib. Bagama’t siya’y isang matanda na at paralisado ang kalahating katawan, hindi yun naging hadlang para hindi niya mapanatiling ligtas ang kanyang sarili. Sa loob ng labing-pitong (17) araw, doon lamang siya sa kanyang bahay, nag-aayuno, nakakapag-saing ng bigas at ang tanging ulam lamang niya ay asin at tubig.

Oktubre 2017, nang idiniklara ni Pangulong Duterte na tapos na ang gyera sa Marawi, walang mapaglagyan ng saya ang naramdaman ni Bapa dahil noon pa man ay gustong gusto na niyang bumalik sa kanyang Bahay. Lumipas ang ilang buwan ngunit dismayado si Bapa nang kanyang malaman na kasama sa 24 Barangays na idiniklarang Most Affected Area ang kanilang Barangay.

Isa-isa nang bumalik ang mga residente sa Least Affected Area, ngunit dahil bigong makabalik si Bapa, siya’y inatake ulit ng Stroke with mild Cardiac Arrest na naging dahilan upang pumutok ulit ang ugat sa kanyang ulo kaya hindi na siya nakakakita ng maayos ngayon at nakaramdam siya ng Alzhiemer’s Disease. Sa loob ng isang linggong pananatili niya sa ICU, walang araw na lumipas na hindi niya na itatanong kung kalian siya makakabalik sa Marawi? Ang matapang, mabait at mapagmahal na Ama, na walang hinangad kundi ang magandang buhay para sa kanyang pamilya ay hindi na matandaan maging ilang miyembro ng kanyang pamilya, paulit-ulit ang sinasabi at naging makakalimutin na.

Ngayong ika-tatlong taon mula nang maganap ang Marawi Siege, nananatiling tanong ng karamihan, “Kailan kami Makakabalik?” Ilan pa kayang katulad ni Bapa ang tatanggalan ng pag-asang makita muli ang kanyang pinaghirapan? Ilan pang Bapa ang mananatiling panandalian lamang ang alaala ng malagim na bangungot na pinagdaanan dala ng Marawi Siege? Ilan pang Bapa ang kailangan mag-agaw buhay dahil lamang sa sama ng loob nang malaman na ang dalawang dekadang pinaghirapan niya ay wala na ngayon?

Bilang isang Bakwit na patuloy na lumalaban sa hamon ng buhay, katulad ni Bapa, wala kaming tanging hangad kundi ang makabalik na sa Marawi. Tama na ang tatlong taon na pagtitiis dahil patuloy kaming umaasa at lumalaban na sana’y dumating na ang araw na hindi na kami parang turista sa aming mga sariling bayan.

Reference: Sittie Joharah M. Pacalundo- Mamacotao

Related Articles

Maraming Salamat Bangsamoro

Maraming Salamat Bangsamoro

Maraming Salamat. Isang malaking karangalan ang maglingkod sa inyo bilang myembro ng BTA Parliament. Paalam na po sa inyong lahat. Giyadun i kapag udas akun rukano mga lokus akun ago pagari akun. Panalamatan akun sukano langon. Relae ako nyo ko mga galubuk a da akun...

read more
Youth Awareness and Resiliency Summit Coastal Area

Youth Awareness and Resiliency Summit Coastal Area

A 2-day event in celebration of International Youth Day 2022 entitled, "Youth Awareness and Resiliency Summit Coastal Area: Youth Participation in Nation and Bangsamoro Building Peacebuilding" was launched at today at MBLT2 in Malabang Lanao del Sur. This is a...

read more