ALAMIN | PWEDE BA AKONG TUMANGGAP NG COVID-19 VACCINE?

April 14, 2021

Alamin rito ang PINAKABAGONG GUIDELINES kung sinu-sino ang maaaring mabakunahan!

OO, PERO KAILANGAN NG KARAGDAGANG PAG-IINGAT
βœ… May sakit sa pagdurugo o kasalukuyang umiinom ng blood thinners
βœ… May allergy sa pagkain, itlog, o gamot
βœ… May history ng asthma

OO, PERO IPAGPALIBAN MUNA
πŸ•’ Kasalukuyang may impeksyon ng COVID-19 o may sintomas na: lagnat / panginginig, panghihina, ubo, sipon, pananakit ng ulo, lalamunan o kalamnan, kawalan ng panlasa o pang-amoy, hirap sa paghinga, rashes
πŸ•’ May exposure sa taong confirmed o suspect na kaso ng COVID-19 sa nakaraang 14 na araw
πŸ•’ Nakakuha ng convalescent plasma o monoclonal antibodies para sa COVID-19 nitong nakaraang 90 na araw
πŸ•’ Nasa unang 3 buwan ng pagbubuntis
πŸ•’ Nakakuha ng kahit na anong klaseng bakuna sa nakaraang 14 na araw
πŸ•’ Na-admit sa ospital, nagkaroon ng atake, or nagbago ng gamot para sa co-morbidities sa loob ng nakaraang 3 buwan
πŸ•’ Hypertensive emergency o blood pressure >180/120 na may sintomas ng posibleng organ damage

OO, PERO KAILANGAN NG MEDICAL CLEARANCE MULA SA DOKTOR
πŸ“„ May autoimmune disease
πŸ“„ May Human Immunodeficiency Virus (HIV)
πŸ“„ May kanser na kasalukuyang naggagamot (chemo/radio/immunotherapy)
πŸ“„ Sumailalim sa organ transplant
πŸ“„ Umiinom ng steroids
πŸ“„ Nakaratay sa kama o may sakit na hindi tataas sa anim (6) na buwan ang taning

HINDI PWEDE
❌ Mas mababa sa 18 years old
❌ Allergy sa mga sangkap ng bakuna (hal: polysorbate, PEG)
❌ Malubhang reaksyon (hal: anaphylaxis) sa unang dose ng bakuna

Kahit nabakunahan na, huwag pa ring kakalimutan na gawin ang minimum public health standards o MPHS! Mag-MASK, HUGAS, IWAS, AIRFLOW!

RESBAKUNA, kasangga ng BIDA! Sama-sama tayo sa BIDA Bakunation!

Source: Department of Health (Philippines)

May be an image of text that says 'RESBAKUNA BIDA BIDA NTF PWEDE BA AKONG MAGPABAKUNA? MAY KARAGDAGANG PAG-IINGAT MAY SAKIT PAGDURUGO UMIINOM NG THINNERS MAY ALLERGY PAGKAIN, ITLOG, MAY HISTORY ASTHMA MUNA KASALUKUYANG PANGINGINIG NA: oo, PERO KAILANGAN NG MEDICAL MULA DOKTOR MAY KAWALAN SA VIRUS EXPOSURESA CONFIRMED SA IMMUNODEFICIENCY KASALUKUYANG ARAW UNANG BUWAN STEROIDS KAMA MAY ANIM NA ANG TANING KAHIT ANONG BAKUNA NAKARAANG ATAKE. NAGKAROON NAGBAGO HINDI PWEDE LOOB MAS MABABA ALLERGY E>180/120 POSIBLENG MAY YEARS SANGKAP PAGKAIN. REAKSYON (HAL: UNANG DOSE GAGAMITAN SENYALES MAGRECOVER SINTOMAS TARGET PAGGAMOT. DAMAGE 4,202 Based pang impormasyon, bumisita 099, updates PREDNISONE. /officialDOHgov @DOHgovph www.doh.gov.ph DOH Philippines'

Related Articles

Youth Awareness and Resiliency Summit Coastal Area

Youth Awareness and Resiliency Summit Coastal Area

A 2-day event in celebration of International Youth Day 2022 entitled, "Youth Awareness and Resiliency Summit Coastal Area: Youth Participation in Nation and Bangsamoro Building Peacebuilding" was launched at today at MBLT2 in Malabang Lanao del Sur. This is a...

read more