MGA DAPAT MALAMAN PATUNGKOL SA PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAM o 4Ps.
Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program ay isang programa ng pambansang pamahalaan na naisabatas na sa Republic Act 11310 para sa pagpapabuti ng kalagayang pantao ng mga mamamayan.
Nagbibigay ito ng kondisyonal na tulong pinansyal para sa mga pinakamahirap na Pilipino upang pabutihin ang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon ng mga batang 0-18 taong gulang.
Kailangang matupad ng mga pamilya ang mga kondisyon ng pamahalaan upang maibigay sa kanila ang tulong-pinansyal.
Ang Department of Social Services and Development (DSWD) ang namimili ng mga benepisyaryo ng 4Ps sa pamamagitan ng Standardized Targeting System na tumutukoy kung sinu-sino ang mahihirap sa bansa.
Ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) ang namamahala ng 4Ps sa Bangsamoro Region.
(Ang bawat litrato ay pagpapaliwag gamit ang majority na lokal na lenggwahe na ginagamit ng bawat probinsya ng BARMM)
Source: 4Ps – BARMM