đź“ŤTUGAYA, LANAO DEL SUR | JULY 19, 2020 (Sunday)
â—ľTABANG PROGRAM (Rice Distribution)
Muling narating ng Opisina ni MP Maisara C. Dandamun-Latiph ang Municipality ng Tugaya bilang isang host sa programa na nagmumula sa Tanggapan ni Chief Minister Ahod “Murad” B. Ebrahim na “Project Tabang.” Layunin ng Project Tabang na tulungan ang mga kababayan natin mula sa krisis na epekto ng CoViD-19 pandemic.
Ang Project Tabang ay nagbibigay ng 25kg na rice sacks. Mahigit 3,700 na libong pamilya sa Tugaya ang nakinabang sa ayudang ito.
Bilang isang Host MP sa ayudang nabanggit, nagpapasalamat ang Opisina ni MP Maisara kay Chief Minister Ahod B. Ebrahim at Opisina ni MP Marjanie Macasalong, Dr. Bashary Latiph, Mayor Al-Fattah Balindong at Barangay Chairmen ng Tugaya at sa lahat ng Miembro ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) Parliament na sumuporta sa proyekto na ito. Sumuporta rin ang Local Government Unit ng Tugaya at lahat ng Barangay Captains, pati na rin ang mga iba’t ibang local agencies ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), Sugod 1 Islamic Youth Movement (SIYM), Tugaya Youth Volunteers (TYV), Coalition of Moro Youth Movement (CMYM) at sa lahat ng iba pang mga nagboluntaryo at tumulong upang maiparating at mapabilis ang pag distribute ng ayudang ito sa ating mga kababayan sa Tugaya, Lanao del Sur.
Maraming salamat sa inyong lahat.