Mensahe sa Buwan ng Wikang Pambansa 2020
Binabati ko ang buong Rehiyon ng Bangsamoro at ang buong sambayanang Pilipino sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa.
Lubos ang aking pagmamalaki sa tema para sa taong ito, “WIKA NG KASAYSAYAN, KASAYSAYAN NG WIKA: Ang mga katutubong Wika sa Maka-Filipinong Bayanihan Kontra Pandemya” dahil labis itong nagpapahiwatig kung gaano kahalaga ang ating wika sa panahong ito.
Ang mga katutubong wika sa bansa ay nagsisilbing mabisang sandata sa pakikidigma laban sa pandemya. Layunin nitong himukin ang Bayanihan ng sambayanan upang masugpo ang patuloy na paglaganap ng COVID-19 sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga impormasyon o pabatid-publiko na nasa Filipino at mga katutubong wika.
Marami na tayong pinagdaanang mga pagsubok bilang Pilipino at nalagpasan natin ang lahat ng iyon dahil sa pagtutulungan. Umaasa ako na mas pag-iigtingin at pagtitibayin natin ang ating pagkakaisa sa pagharap sa kasaluyukang hamon ng panahong ito.
Nawa’y magpatuloy ang pagsulong ng Wikang Filipino sa pagbibigay pag-asa sa bawat mamamayang Pilipino. Panatilihin natin ang Bayanihan para sa bawat isa sa gitna ng nagaganap na pagsubok sa ating Bansa at patuloy na maging matatag sa pagharap ang sari-saring isyu.
Muli, maligayang Buwan ng Wikang Pambansa sa inyong lahat. Mabuhay ang Wikang Filipino!