March 14, 2022| Ang opisina ni MP Atty. Maisara C. Dandamun Latiph ay patuloy na nagbibigay ng kalidad na mga serbisyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng 5,000 pisos bilang Cash Assistance sa mga indibidwal na nangangailangan sa Lanao del Sur at Marawi City.
Kabilang sa mga nakatanggap ng tulong ay ang mga indibidwal na nangangailangan para sa kanilang gamot o pambayad sa kanilang gamotan, mga estudyanteng nangangailangan ng tulong pinansyal para sa kanilang pag-aaral, at pangkabuhayan na tulong para sa mga pamilyang nahihirapan mag hanap buhay dahil sa kasalukoyang estado ng ating bansa.