KONSULTASYON SA PAGLIKHA NG AHENSYA NA MAGPAPANATILI SA LIKAS NA YAMAN NG RANAW

March 09, 2022

March 8-9, 2022| Nagdaos ng pampublikong konsultasyon ang Committee on Rules ng Bangsamoro Parliament patungkol sa isang batas na naghahangad na lumikha ng isang ahensiya na magpanatili sa likas na yaman ng Lake Lanao sa International Convention Hall sa loob ng Pamantasang Mindanao sa Lungsod ng Marawi, Probinsya ng Lanao del Sur.

Ang Parliament Bill No. 32 o ang Ranao Development Authority Act ay naglalayong magtatag ng isang malayang regulasyon na tinatawag na Ranao Development Authority.

Tulad ng tinukoy sa Ranao Development Authority Act, ang rehiyon ng Ranao ay sumasakop sa pampang ng Lake Lanao, at lahat ng iba pang lawa na matatagpuan sa loob ng Lanao del Sur, kabilang ang mga lungsod, bayan, at munisipalidad.

Ayon kay Miyembro ng Parlamento Atty. Maisarah Latiph, pangunahing may-akda ng iminungkahing batas, mahalagang lumikha ng ahensiya na may pangunahing responsibilidad na pangalagaan, paunlarin, at wastong paggamit ng lawa upang garantiyahan ang maasahang benepisyo sa mga nakatira rito.

Binigyang-diin din ni MP Ziaur Rahman Adiong na kailangang pangalagaan ang Lake Lanao, dahil isa ito sa mga sinaunang lawa sa buong mundo.

Ayon naman kay Engr. Mangurun Bautil, plant manager of Agus 1 and 2 of the National Power Corporation “Umaasa ako na ang batas na ito ay agad na maipasa upang makatulong ito sa pagpepreserba at paggamit nito”.

Ayon naman sa League of Municipal Mayors president of Lanao del Sur na si Atty. Dimnatang Pansar “Ang pagsasagawa ng batas na ito ay magiging palatandaan ng kanilang pamana sa mamamayan ng Bangsamoro rehiyon”.

Kabilang sa mga kapangyarihan at tungkulin ng RDA ang isang komprehensibong pagsusuri ng pisikal, likas na yaman, potensyal, at proyektong pang ekolohiya ng Lake Lanao; mag sagawa ng iba’t ibang pananaliksik at pag-aaral sa mga isda at aquatic, kalidad ng tubig, sedimento, at anumang likas na yaman ng pamamahala ng Lake Lanao; isyu na kinakailangan pinahihintulutan, mangolekta ng bayad para sa paggamit ng mga lawa; itatag ang sistema ng pag-elevation ng lawa, bukod pa sa iba.

Sa unang araw ng konsultasyon, dinaluhan ito ng ilang mga miyembro ng Parlamento, mga lokal na opisyal at kinatawan mula sa National Power Corporation, ministro ng Kapaligiran, at Agrikultura at Fisheries sa Lanao del Sur habang ang mga kinatawan mula sa mga organisasyong sibil, tradisyonal at relihiyon, akadhikain, at iba pang mga stakeholder ang dumalo sa ikalawang araw na pawang nagbigay ng kani kanilang mga rekomendasyon at komento tungkol sa iminungkahing batas.

Ang BTA Bill No. 32 ay isa sa sampung mahahalagang panukala na pagtutuunan ng pansin ng BTA sa taong ito.

Related Articles

Maraming Salamat Bangsamoro

Maraming Salamat Bangsamoro

Maraming Salamat. Isang malaking karangalan ang maglingkod sa inyo bilang myembro ng BTA Parliament. Paalam na po sa inyong lahat. Giyadun i kapag udas akun rukano mga lokus akun ago pagari akun. Panalamatan akun sukano langon. Relae ako nyo ko mga galubuk a da akun...

read more
Youth Awareness and Resiliency Summit Coastal Area

Youth Awareness and Resiliency Summit Coastal Area

A 2-day event in celebration of International Youth Day 2022 entitled, "Youth Awareness and Resiliency Summit Coastal Area: Youth Participation in Nation and Bangsamoro Building Peacebuilding" was launched at today at MBLT2 in Malabang Lanao del Sur. This is a...

read more