Isang Masjid ang nabiyayaang magkaroon ng bagong set ng sound system mula sa tanggapan ni MP Atty. Maisara Damdamun-Latiph nito lamang ika-7 ng Marso ng kasalukuyang taon.
Ang Masjid na ito ay matatahpuan sa Pawak, Saguiaran sa lalawigan ng Lanao del Sur.
Ang isang set ng sound system na ito ay nagkakahalaga ng P18,885. Kabilang dito ang dalawang speakers, isang amplifier, isang speaker wire, isang microphone with standee, at extension wire.
Ang programang ito ay bahagi sa mga inisyatibo ng naturang miyembro ng parliyamento upang maiparating sa mga mamamayan ang ibat-ibang programa at serbisyo na mayroon ang pamahalaang panrehiyon ng Bangsamoro.