Labis na ikinatuwa ng mga Morit at mga Asatids ang tulong na ibinahagi sa kanilang gamit pang eskwela at pagtuturo mula sa tanggapan ni MP Atty. Maisara Dandamun-Latiph nito lamang ika-8 ng Marso ng kasalukuyang taon sa pakikipag tulungan sa Lanao del Sur YLS.
Ang programang “Lapis hindi Bala” ay naglalayon na ilayo ang mga kabataan sa terorismo at ekstrimismo.
Ang Madrasah Jamiatu Al Maruhom Sharief Al-Islamia (Ma’ahad Pagayawan Al-Arabi Al-Islamiyyah) ay matatagpuan sa Baranggay Ilian, Pagayawan sa lalawigan ng Lanao del Sur.
Bawat bag na natanggap ng mga Morits ay nag lalaman ng 5 perasong makakapal na notebook, 2 Ball pen, Pencil, Eraser, Crayons, Pad paper, Sharpener habang nag lalaman naman ng Payong, Record book, 3 pirasong ball pen, 1 kahon ng chalk, eraser, 1 Yellow paper ang naipamahagi sa mga asatids.
Nabigyan rin ang nasabing Madrasah ng iba’t ibang gamit pang linis katulad ng 6 na pirasong walis tambo, 6 na walis tingting, 6 dust pan, 3 Trashbin, at 3 Walk clock.
Bukod pa rito, tinanggap rin nila ang bagong sound system na kanilang magagamit sa kanilang mga programa.
Ang programang ito ay bahagi lamang ng mga inisyatibo ng naturang miyembro ng parliyamento upang maiparating sa mga mamamayan ang ibat-ibang programa at serbisyo na mayroon ang pamahalaang panrehiyon ng Bangsamoro.