Pangatlong yugto ng decommissioning ng MILF combatants nagsimula na

November 08, 2021

Pangatlong yugto ng decommissioning ng MILF combatants nagsimula na

Sultan Kudarat, Maguindanao (08 November 2021) — Sinimulan na ngayong araw ang pagdedekomisyon sa 14,000 na miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) at ng kanilang mga armas bilang bahagi ng third phase ng decommissioning process.

Ang ceremonial opening ay pinangunahan nina Undersecretary David Diciano, chairman ng Government of the Philippines Peace Implementing Panel at Minister Mohagher Iqbal, chairman ng MILF Peace Implementing Panel.

Ayon kay Diciano, bukod sa pagdedekomisyon ng mga dating mandirigma, ay determinado ang pamahalaan ng Pilipinas at MILF na ipatupad ang lahat ng aspeto ng prosesong pangkapayapaan.

“The panels are also committed to the implementation of all other components for the full transformation of the combatants and their communities in the Bangsamoro,” ani ni Diciano.

(Ang mga panel ay nakatuon din sa pagpapatupad ng lahat ng bahagi (ng normalisasyon) para sa ganap na pagbabago ng mga combatants at kanilang mga komunidad sa Bangsamoro.)

“The normalization, including the process of decommissioning is and has always been a joint effort between the GPH and the MILF,” dagdag pa nito.

(Ang normalisasyon, kabilang ang proseso ng pag-decommissioning, ay (ipinapatupad sa pamamagitan) ng pagtutulungan ng GPH at MILF.)

Sa kanyang mensahe, idiniin ni Iqbal ang kahalagahan ng patuloy na pagtutulungan ng gobyerno, MILF, at mga peace partners para sa pagsasakatuparan ng mga nilalaman ng kasunduang pangkapayapaan sa Bangsamoro.

“Today, our determination to fulfill the 2014 Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) led us to a critical component of the normalization process — and that is the third phase of decommissioning,” ani ni Iqbal.

(Ngayon, ang ating determinasyon na tuparin ang 2014 Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) ay humantong na sa isang kritikal na bahagi ng proseso ng normalisasyon — at iyon ang ikatlong yugto ng decommissioning.)

“We are grateful that the GPH-MILF (peace process) is enforced by [a] robust partnership and commitment by stakeholders. I thank our local and international partners for the unwavering support,” dagdag pa ni Iqbal.

(Kami ay nagpapasalamat na ang GPH-MILF (peace process) ay ipinatutupad sa pamamagitan ng maigting na pagtutulungan at commitment ng mga stakeholder…Nagpapasalamat ako sa aming mga lokal at internasyonal na partners para sa walang patid na suporta.)

Ang proseso ng pagdekomisyon ay pinangangasiwaan ng Independent Decommissioning Body (IDB) sa pangunguna ng chairman nito na si Turkish Ambassador His Excellency Ahmet Idem Akay.

“We would like to congratulate the GPH and MILF for attaining yet another important chapter in the peace process not only in Mindanao but in the entire Filipino nation and beyond,” ani ni Akay.

(Nais naming batiin ang GPH at MILF sa pagkamit ng isa na namang mahalagang kabanata sa prosesong pangkapayapaan hindi lamang sa Mindanao kundi sa buong lahing Pilipino at higit pa.)

“The implementation of the decommissioning process despite the pandemic is a testament of the commitment of parties to attain peace in the Bangsamoro,” dagdag pa nito.

(Ang pagpapatupad ng proseso ng decommissioning sa kabila ng pandemya ay isang testamento ng pangako ng mga partido na makamit ang kapayapaan sa Bangsamoro.)

Ayon kay Akay, nanantiling mataas ang suporta ng IDB at ng international community sa prosesong pangkapayapaan sa Mindanao.

Ang mga lider mula sa GPH, MILF, IDB, at Bangsamoro government ay pumirma din sa “Wall of Commitment for the Phase 3 Decommissioning Process of MILF Combatants and Weapons,” bilang simbolo ng kanilang suporta at pagkakaisa para sa matagumpay na pagpapatupad ng ikatlong yugto ng proseso ng pagdedekomisyon.

Upang masiguro ang kalusugan at kaligtasan ng mga MILF combatants na dadaan sa proseso ng decommissioning kasama na ang mga peace workers na aalalay sa kanila, silang lahat ay sumailalim sa COVID-19 swab testing.

Sa kabuuang 14,000 na MILF combatants na sasailalim sa pangatlong yugto ng pagdedekomisyon.

Kabilang sa mga dumalo sa okasyon ay sina BARMM Minister of Finance Eduard Guerra, co-chair ng MILF Joint Normalization Committee (JNC); Atty. Laisa Masuhud-Alamia, co-chair ng GPH Task Force for Decommissioned Combatants and their Communities (TFDCC); BARMM Member of Parliament Baintan Ampatuan; Muhajirin Ali, head of MILF Implementing Panel Secretariat; Member of Parliament Jannati Mimbantas, IDB Board Member – MILF; at Deputy Minister of Transportation and Communication Von Al Haq, co-chair ng MILF Joint Peace and Security Committee (JPSC).

Dumalo din sina Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) Director Farrah Grace Naparan; Chairman ng GPH Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities (CCCH) Brig. Gen. Antonio Nafarrete; GPH Ad Hoc Joint Action Group (AHJAG) Chairman PMaj. Gen. Nickson Muksan; at IDB Vice Chair William Hovland.###

#Peace #PeacePH #Bangsamoro #Normalization #MeaningfulTransformation

Related Articles

Youth Awareness and Resiliency Summit Coastal Area

Youth Awareness and Resiliency Summit Coastal Area

A 2-day event in celebration of International Youth Day 2022 entitled, "Youth Awareness and Resiliency Summit Coastal Area: Youth Participation in Nation and Bangsamoro Building Peacebuilding" was launched at today at MBLT2 in Malabang Lanao del Sur. This is a...

read more