Simula nang mailunsad ang AMBAG Program ni Chief Minister Ahod “Al-haj Murad” Ebrahim noong Nobyembre 2019, mahigit 18,000 na ang nakatanggap ng tulong at mahigit Php118 million ang nagamit na pondo.
Sa kasalukuyan ay mayroong 24 partner hospitals sa loob at labas ng BARMM at ito ay nakatakdang madagdagan pa ng 5 bago matapos ang taon. Insha Allah
71% ng mga natulungan ng AMBAG ay umuwi sa kani-kanilang bahay at pamilya na wala nang binayaran mula sa kanilang sariling pera.
Kalinga at serbisyo, ito ang AMBAG ng Bangsamoro!