Limampung (50) kababaihan mula sa Dumpsite Area sa Brgy. Papandayan, Lungsod ng Marawi ang sumali sa orentasyon hinggil sa pagsasanay na tinawag nilang “Siyap ko Mga Bae: A Training for Sustainable Livelihood Program” kung saan sila ay tuturuan ng pagtatahi at paggawa ng tinapay at kakanin.
Naglalayon ang programang ito na mabigyan ng kapasidad ang mga kababaihan at magkaroon ng sariling kita.
Ito ay gagawin sa pamamagitan ng face to face at online classes kung saan mabibigyan rin sila ng tulong pinansyal para sa kanilang transportasyon, PPE, at internet connection. Makakatanggap rin sila ng starter tool kit kagaya ng Sewing Machine at iba pang kagamitan para sa pagtatahi at oven naman para sa mga magsasanay ng paggawa ng tinapay. Sa huli, ang mga papasa sa assessment ay makakatanggap ng Php15,000 bilang panimulang kapital pang negosyo.
Ang proyektong ito ay pinangungunahan ng Opisina ni MP Atty. Maisara C. Dandamun-Latiph kasama ng Ministry of Social Services and Development at iba pang opisina.
Photos: Office of MP Latiph