Anim na mga masajid o lugar ng pagsamba ang nabiyayaang magkaroon ng bagong set ng mga sound systems mula sa tanggapan ni MP Atty. Maisara Damdamun-Latiph nito lamang Setyembre 22 ng kasalukuyang taon.
Ito ay ang Ragayan Masjid sa Marantao, Masjid Ibadurrahman, Tuca Pandia Ranaw Masjid, Campong Talao Pindolonan Mosque sa Tugaya, Masjid Muriyatao Sharief sa Masiu, at isang masjid naman sa barangay Kilala sa lungsod ng Marawi City na pawang matatagpuan sa lalawigan ng Lanao del Sur.
Ang bawat set ng sound system, na nagkakahalaga ng P18,885 ay kinabibilangan ng dalawang speakers, isang amplifier, isang speaker wire, isang microphone with standee, at extension wire.
Ayon sa isang benepisyaryo, ang katulad na serbisyo ay maituturing na napakalaking bagay para sa kanila dahil ito ay katumbas umano ng pagsamba at paniniwala sa Allaah. Bukod sa magagamit ito sa pagpapalaganap ng khutba o sermon lalo na sa araw ng Jum’ah ay lubos na makakatulong umano ito sa pag-unlad ng isang bayan at higit sa lahat, sa relihiyong Islam.
Bahagi lamang ito ng mga inisyatibo ng naturang miyembro ng parliyamento upang maiparating sa mga mamamayan ang ibat-ibang programa at serbisyo mayroon ang pamahalaang panrehiyon ng Bangsamoro.
Source: Bangsamoro Media Productions