Sisimulan na ang paglalagay ng mga street solar lights sa lalawigan ng Lanao del Sur partikular sa bayan ng Tugaya matapos isagawa ang groundbreaking ceremony nito kahapon, Setyembre 13.
150 na mga street solar lights ang magbibigay liwanag sa iba’t ibang mga barangay sa nasabing bayan, na siyang makakatulong upang matugunan ang mga insidente o panganib na dulot ng madidilim na kalye at paligid tulad ng road accidents, mataas na konsumo ng elektrisidad at criminal cases.
Ang proyektong ito ay bahagi ng Transitional Development Impact Fund o TDIF program ng pamahalaang Bangsamoro na inilaan ni MP Atty. Maisara Damdamun-Latiph sa Ministry of Public Works-BARMM bilang implementing agency.
Personal na dinaluhan ang naturang kaganapan ng tanggapan ni MP. Atty Latiph kasama ang pamahalaang lokal ng Lanao del Sur at MPW-LDS 2nd DEO na siyang mangangasiwa sa nasabing proyekto.(Bangsamoro Media Productions)
Mag-subscribe sa youtube bit.ly/2TGrmgV o Bisitahin ang aming Website Page sa link na ito:https://bmp.com.ph/
Maraming Salamat Bangsamoro
Maraming Salamat. Isang malaking karangalan ang maglingkod sa inyo bilang myembro ng BTA Parliament. Paalam na po sa inyong lahat. Giyadun i kapag udas akun rukano mga lokus akun ago pagari akun. Panalamatan akun sukano langon. Relae ako nyo ko mga galubuk a da akun...