28 Risograph Machines Ibinahagi Sa 28 District Supervisors Sa Lanao Del Sur

August 31, 2021

Dalawampu’t walong Risograph machines ang ibinahagi ng tanggapan ni Member of Parliament Atty. Maisara Dandamun-Latiph sa 28 ring District Supervisors sa lalawigan ng Lanao del Sur na pinondohan sa ilalim ng Transitional Development Impact Fund ng Bangsamoro Transition Authority.

Sinabi ni MP Atty. Latiph na ang inisyatibong ito ay proyekto ng kaniyang pagnanais na mapadali ang reproduksyon ng mga materyales para sa mas mabilis na paghahatid ng mga educational services sa mga mag-aaral ng lalawigan.

Aniya, maliban sa kabuhayan ay malaki rin ang naging epekto ng pandemyang Covid-19 sa kakayahan ng mga institusyon ng edukasyon na makisabay sa bagong pamamaraan ng pag-aaral mula face-to-face classes sa ngayo’y online at modular na pamamaraan. Hindi umano madali na gumawa o makapag-produce ng libo-libong modules para sa mga mag-aaral ng bawat paaralan.

Ito rin ang dahilan kung bakit mas lalong nahihirapan ang mga mahihirap na mag-aaral sa rehiyon- ang pag-access sa edukasyon dahil sa kawalan ng kakayahang makipagsabayan sa mga makapabagong pamamaraan ng pagtuturo.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga Division Seperintendents na nakatanggap ng ipinagkaloob na kagamitan. Anila, bagaman mayroong sapat na suplay ng bond papers ay naaantala naman ang reproduksyon ng mga modules dahil sa kakulangan ng kagamitan o makinarya para sa paglilimbag o pagpiprint ng mga ito.(Bangsamoro Media Productions)

Mag-subscribe sa youtube bit.ly/2TGrmgV o Bisitahin ang aming Website Page sa link na ito:https://bmp.com.ph/

Related Articles

Maraming Salamat Bangsamoro

Maraming Salamat Bangsamoro

Maraming Salamat. Isang malaking karangalan ang maglingkod sa inyo bilang myembro ng BTA Parliament. Paalam na po sa inyong lahat. Giyadun i kapag udas akun rukano mga lokus akun ago pagari akun. Panalamatan akun sukano langon. Relae ako nyo ko mga galubuk a da akun...

read more
Youth Awareness and Resiliency Summit Coastal Area

Youth Awareness and Resiliency Summit Coastal Area

A 2-day event in celebration of International Youth Day 2022 entitled, "Youth Awareness and Resiliency Summit Coastal Area: Youth Participation in Nation and Bangsamoro Building Peacebuilding" was launched at today at MBLT2 in Malabang Lanao del Sur. This is a...

read more