𝐁𝐀𝐍𝐆𝐒𝐀𝐌𝐎𝐑𝐎 𝐆𝐎𝐕𝐄𝐑𝐍𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐒𝐔𝐌𝐌𝐈𝐓 2021, 𝐆𝐀𝐆𝐀𝐍𝐀𝐏𝐈𝐍 𝐍𝐆𝐀𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐀𝐑𝐀𝐖
Ipinapanukalang mga prayoridad na proyekto at programa ng Bangsamoro Government para sa taong 2022 inaasahang ipipresenta ngayong araw sa gaganaping Bangsamoro Governance Summit 2021 na idadaos sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex, Bangsamoro Government Center sa lungsod Cotabato.
Inaasahang dadaluhan ang nasabing aktibidad ng mga opisyal ng Local Government Unit mula pa sa iba’t ibang lugar ng Bangsamoro Autonomous Region.
Dumating na rin sa ngayon ang iba pang opisyales ng Bangsamoro Government na sina BARMM Grand Mufti Abu Hurairah Udasan, MBHTE Minister Mohagher Iqbal, MOST Minister Aida Silongan, MOTC Minister Dickson Hermoso at MP Dr. Susana Anayatin.
Inaasahan namang magbibigay ng mensahe ng pagsuporta sina Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo at Senator Juan Miguel “Migz” Zubiri.(Bangsamoro Media Productions)