Ngayong ika-23 ng Mayo, 2020 ay ikatlong anibersaryo ng Marawi Siege.
Panalangin ko po na makabalik na ang mga residente sa Most Affected Area (MAA) at manumbalik muli ang buhay at sigla ng Marawi.
At mapabilis ang rehabilitasyon hindi lang ng physical na infrastraktura tulad ng kalsada, tubig at ilaw pati na rin ang spiritual, social, economic, at psychological na paghihilom.
Higit sa lahat magkaroon ng mas pangmatagalan na lunas para sa magandang kinabukasan ng ating mga kabataan at sa susunod na henerasyon.
Insha Allah, kami po ay tutulong na manumbalik muli ang sigla at buhay ng Marawi sa abot ng aming makakaya.
MP ATTY. MAISARA C. DANDAMUN-LATIPH
Bangsamoro Transition Authority -BARMM