Alamin rito ang PINAKABAGONG GUIDELINES kung sinu-sino ang maaaring mabakunahan!
OO, PERO KAILANGAN NG KARAGDAGANG PAG-IINGAT
β
May sakit sa pagdurugo o kasalukuyang umiinom ng blood thinners
β
May allergy sa pagkain, itlog, o gamot
β
May history ng asthma
OO, PERO IPAGPALIBAN MUNA
π Kasalukuyang may impeksyon ng COVID-19 o may sintomas na: lagnat / panginginig, panghihina, ubo, sipon, pananakit ng ulo, lalamunan o kalamnan, kawalan ng panlasa o pang-amoy, hirap sa paghinga, rashes
π May exposure sa taong confirmed o suspect na kaso ng COVID-19 sa nakaraang 14 na araw
π Nakakuha ng convalescent plasma o monoclonal antibodies para sa COVID-19 nitong nakaraang 90 na araw
π Nasa unang 3 buwan ng pagbubuntis
π Nakakuha ng kahit na anong klaseng bakuna sa nakaraang 14 na araw
π Na-admit sa ospital, nagkaroon ng atake, or nagbago ng gamot para sa co-morbidities sa loob ng nakaraang 3 buwan
π Hypertensive emergency o blood pressure >180/120 na may sintomas ng posibleng organ damage
OO, PERO KAILANGAN NG MEDICAL CLEARANCE MULA SA DOKTOR
π May autoimmune disease
π May Human Immunodeficiency Virus (HIV)
π May kanser na kasalukuyang naggagamot (chemo/radio/immunotherapy)
π Sumailalim sa organ transplant
π Umiinom ng steroids
π Nakaratay sa kama o may sakit na hindi tataas sa anim (6) na buwan ang taning
HINDI PWEDE
β Mas mababa sa 18 years old
β Allergy sa mga sangkap ng bakuna (hal: polysorbate, PEG)
β Malubhang reaksyon (hal: anaphylaxis) sa unang dose ng bakuna
Kahit nabakunahan na, huwag pa ring kakalimutan na gawin ang minimum public health standards o MPHS! Mag-MASK, HUGAS, IWAS, AIRFLOW!
RESBAKUNA, kasangga ng BIDA! Sama-sama tayo sa BIDA Bakunation!
Source: Department of Health (Philippines)