Ang opisina ni MP Atty. Maisara C. Dandumn-Latiph ay nagsagawa ng pagsasanay sa mga Ustads na magiging tagapagsanay at magiging taga pagturo sa programang Siyap ko mga lokus: elders continuing education na ginanap sa loob ng MSU-IPDM, Marawi City noong nakaraang Marso 11, 2022.
Ang nasabing programa ay naglalayun na maturuan ang mga may edad o may pamilya na makabasa ng Arabic; Magbigay ng trabaho sa Dalawampo’t tatlong ustads upang magturo, mag Sagawa ng epektibong pagtuturo mua sa mga ustad at mga nag-aaral, upang malaman ang estado ng kaalaman ng mga mag-aaral sa Arabic at Islamikong turo, at upang mangolekta ng mga datos na mapapakinabangan at magagamit sa mga ipapanukalang batas.
Ilan sa mga pinagusapan sa araw na ito ay kung paano tatakbo ang programa, paano ang proseso ng ebaluwasyon, at ang mga kinakailangang papelis na kakailanganin para sa pagpapatupad ng programa.
Sa araw din ng pagsasanay ay penirmahan na ng mga Ustads ang kanilang kontrata na tatakbo simula ngayong Marso hanggang Hunyo sa parihong taon na ito.
Ang bawat mag-aaral at magtuturo ay makakatanggap ng mga kagamitan na kanilang magagamit sa kanilang pag-aaral at pagtuturo katulad lamang ng Bag, Class record, white/Black board, notebooks, at marami pang iba.