Animnapung mga kabataan mula sa ibaβt ibang munisipyo sa Lanao del Sur ang dumalo sa 1st Ranaw Youth Awareness Resiliency Summit na isinagawa ng tanggapan ni Member of the parliament Maisara C. Dandamun-Latiph
Ang mga participant na dumalo sa programa ay mga kabataang apektano ng Municipal siege o armed conflict, youth returnees, kamag-anak ng returnees, kabataang apektado ng siege, at kabataang mula sa malalayong Barangay.
Ang Ranaw Youth Awareness Summit ay layong mag bigay kaalaman sa mga kabataan lalo na ang mga na apektohan ng terorismo. Tinalakay sakanila ang usapin sa seguridad at kapayapaan.
Binigyan naman ng pagkakataon ang mga dumalo na gumawa ng proyekto kung saan 20,000 pesos na cash grant ang igagawad ni MP Maisara.
Apat na municipal youth groups mula sa Butig, Masiu, Sultan Dumalondong, at Tubara Lanao del Sur ang dumalo sa Summit.
Reference: BTA Member Maisara C. Dandamun-Latiph
#Mjournal
#LanaoDelSur
ππ€π‘π‘π€π¬ πͺπ¨ ππ€π§ π’π€π§π πͺπ₯πππ©ππ¨
ππππππ€π€π : @ππ π€πͺπ§π£ππ‘
ππ£π¨π©πππ§ππ’: @ππ π€πͺπ§π£ππ‘
ππ¬ππ©π©ππ§: @ππ π€πͺπ§π£ππ‘_2021